CORRECTAR LA LETRA

Letra : Taguan

Ohhh, ohhh, ohhh...

Nagsimula sa asaran
Hanggang na-uwi sa seryosohan
Ang pinag-uusapan ay 'di na namalayan
Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan
Ng ating mga damdamin na tila may kakaibang nagyayari
'Di mapahiwatig ang ibig na sabihin
May gusto ka bang aminin?
Pero hindi mo naman kailangan pa

Kasi alam mo ba?
Na alam ko nang may itinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba?
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na

Nagta-tagu-taguan
Nagta-tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang
Isa, dalawa, tatlo
Ayoko nang maglaro
'Di na naman tayo mga bata
Para itago ang tunay na nararamdaman
Pilit mang hanapin, 'di ko pa rin mawari
Ang ibig na sabihin, kailan ba aaminin?
At t'wing nagt**inginan ang mga mata
Para bang nakakapagtaka
Nahihirapan man na magbasa
Pero naiintindihan ko na

Kasi alam mo ba?
Na alam ko nang may itinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba?
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na

Nagta-tagu-taguan
Nagta-tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang

Kasi alam mo ba?
Na alam ko nang may itinatago ka
Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba?
Siguro alam mo na
Parehas lang naman
Tayong dalawa na

Nagta-tagu-taguan (Whoo)
Nagta-tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang

Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang