CORRECTAR LA LETRA

Letra : Oks Lang

Saan na 'to patungo
Hindi ko na kasi alam
Hinahanap ang sagot sa bakit
Hindi ko na kasi alam
Hindi ka na nakikinig
Hindi ka na kinikilig
Hindi ka na natutuwa
'Pag may pasalubong na isaw

Nagbago na ang lahat sa'yo
Nagbago na ang lahat pati ang tayo
Nagbago na ang 'yong tingin
Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
Ang gusto ko lang naman

Ay yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Maiintindihan naman kita
Kung sawa ka na, kung sa'n ka sasaya
'Wag kang mag-alala
Oks lang ako

Oy, salamat nga pala
Sa mga sandali nating masaya
Unti-unti na rin akong bibitaw
Kahit ako na lang ang sasayaw
Kasi malabo na ang lahat sa'yo
Malabo na ang lahat pati ang tayo
Malabo na ang 'yong tingin
Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
Ang hinihiling ko lang naman

Ay yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Naiintindihan naman kita
Alam kong sawa ka na, do'n ka na sa masaya
'Wag kang mag-alala

Okay lang ako, 'wag kang mag-alala
Okay lang ako, kakayanin mag-isa
Okay lang ako, basta't ikaw ay masaya
Okay lang ako, dito lang ako

Naglaho na ang lahat sa'yo
Naglaho na ang lahat pati ang tayo
Naglaho na ang 'yong tingin
Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman
Ang huling hiling ko'y pagbigyan
Ay yakapin mo ako
Kahit hindi na totoo
Maiintindihan naman kita
Kung talagang sawa ka na
Kung mas sasaya ka sa iba
'Wag mo na akong isipin pa
Handa na 'kong kalimutan ka
Oks lang ako

Okay lang ako, ooh-woah
Dito lang ako
Okay lang ako