CORRECTAR LA LETRA

Letra : Di Na Sana

Huli na ba na ayusin ang aking nasirang pagkakataon?
Gusto kong pihitin ang orasan at baka sakaling magbago ang
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Sana, sana

'Di ka natrato nang tama
Ilan na pinagdaanan
Iniwan ika'y kinawawa
Sinabi kong 'di kita sasaktan tulad nila
Bakit 'di naiwasan
Ito ba ang tinadhana
Ito ba ang tinadhana
Malinis mo na hangin aking pinuno ng usok
Papel mo sa'king buhay ay sinunog
Tanga-tangahan parang 'di tinuro
Sa akin dismayado ang ninuno at
Ayoko nang lumapit sa katapusan
Pwede ba na bumalik sa simula?
Sa kanila papamukha kung sino ka
Mamahalin higit pa sa'king katawang lupa
Itanim pabalik pag-ibig dating sinlawak ng gubat
Kung 'di ka papadapuan, walang malalim na sugat
'Di ka magkakaganto, tulad ngayon, oh
'Di ka magkakaganto, tulad ngayon, oh
Huli na ba na ayusin ang aking nasirang pagkakataon?
Gusto kong pihitin ang orasan at baka sakaling magbago ang
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Lahat at 'di na sana, nauwi sa sana
At hindi na sana nagkaroon ng sana
Sana, sana

'Di ka natrato nang tama
Ilan nang pinagdaanan
Iniwan ika'y kinawawa
'Di ka magkakagan'to tulad ngayon
'Di ka natrato nang tama
Ilan nang pinagdaanan
Iniwan ika'y kinawawa
'Di ka magkakagan'to tulad ngayon