CORRECTAR LA LETRA

Letra : Sa’yong Mundo

Isang umagang naghihintay
Umaasang wala ng lumbay

Natutuyo na ang mga luha sa lapag
At umiikli na rin ang magdamag
Bawat araw na dumadaan
Nagsisilbing isang hakbang
Papalayo~

Sa 'yong mundo
Sa 'yong mundo
Sa 'yong mundo
Sa 'yong mundo~

Isang umagang naghihintay
Magigising na di na rin hinahanap ang
Iyong kamay

Sinasamsam ko ang sarili sa lapag
Puso at kaluluwang basag-basag
Dahil sa~

Sa 'yong mundo
Sa 'yong mundo
Sa 'yong mundo
Sa 'yong mundo

Ipauubaya
Lahat sa galaw ng tadhana
Kailangang matutunang magparaya
Upang ako'y lumaya
Upang ako'y lumaya

Sa 'yong mundo (lumalayo, lumalayo)
Sa 'yong mundo (lumalayo, lumalayo)
Sa 'yong mundo (lumalayo, lumalayo)
Sa 'yong mundo (lumalayo, lumalayo)