CORRECTAR LA LETRA

Letra : Di Ka Akin

Masdan mo ang langit, umaawit
Na para bang naglalambing
Ngunit sa 'king pag-idlip
Tinitiis ang pusong malayo ang tingin

Sa'n nga ba 'ko dadalhin ng aking pagsinta?
Hanggang tanong na lamang ba?
Ano nga ba tayo para sa'yo?
Ulilang pagsuyo, hanggang ngayo'y nakapako

Malabo mang basahin ang iyong damdamin
Hahaplusin bawat sandali
Kahit 'di ka man akin
Ako'y samahan, kahit sa pagitan lang
Pipilitin ang sariling tanggapin
Na 'di ka nga pala akin

Nagbabakasakali, tayo'y may walang hanggan
Ako lang ba ang susugal?
Oh-woah, kay sarap nitong sakit
Hinahanap-hanap ng aking diwatang nakapikit

Sa'n nga ba 'ko dadalhin ng aking pagsinta?
Hanggang tanong na lamang ba? Woah
Ano nga ba tayo para sa'yo?
Ulilang pagsuyo, hanggang ngayo'y nakapako

Malabo mang basahin ang iyong damdamin
Hahaplusin bawat sandali
Kahit 'di ka man akin
Ako'y samahan, kahit sa pagitan lang
Pipilitin ang sariling tanggapin
Na 'di ka nga pala akin
'DI ka nga akin ('Di ka nga akin)
'Di ka nga, 'di ka nga akin ('Di ka nga, 'di ka nga akin)

May pag-asa ba tayo?
Kailan pa ba tayo? (May pag-asa ba tayo?)
Kahit 'di ka nga akin

Ako'y samahan, kahit sa pagitan lang
Pipilitin ang sariling tanggapin
Na 'di ka nga pala akin
'Di ka nga pala akin