CORRECTAR LA LETRA

Letra : Pagsuko

Tuliro sa kakaisip
Magbabago pa ba ang ihip
Kung susuko ka na
Susuko ka na

Bumitaw sa pagkakakapit
Nawala na yung dating init
Nung sumuko ka na
Sumuko ka na

Yung parteng 'to ay 'di ko napaghandaan
Dahan-dahang nawala ng 'di man lang nahigpitan
Yung kapit sa 'yong kamay nang 'di ko nagawang tignan
Nasasaktan ka na pala at 'di mo yun nagugustuhan

Kung wala ng panahon para maayos 'tong nasira
Dapat lang din sigurong pagsisihan nang hindi na
Muling madugtungan yung nabiyak na mga puso
Pagsuko na paalam lang ang siyang makakaguho

Sating pinagsamahan, masakit dahil biglaan
Kasalanan ko naman kaso lang ayokong pagdaanan
Nating mahiwalay kung kailan tayo nagtagal
Ay dun pa biglang lumabo yung ating pagmamahal