Ako'y Iyong natagpuan
Sa gitna ng aking kasawian
Niligtas sa kamatayan
Inakay sa liwanag ng 'Yong pagmamahal
Pinalaya ng Iyong habag
Sa dilim at sa 'king pagkabulag
Ngayon, sa 'Yong biyaya at sa lalim ng pag-ibig
Umaawit
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Laging sa 'Yo iaalay
Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
Laging sa 'Yo, Panginoon
Walang ibang kaligtasan
Sa 'Yo, lubos ang kagalingan
Hesus, ako'y nabihag sa dakila Mong pag-ibig
Umaawit
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Laging sa 'Yo iaalay
Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
Laging sa 'Yo, Panginoon
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Laging sa 'Yo iaalay
Ang puso ko'y tanging sa 'Yo
Laging sa 'Yo, Panginoon