Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at iyong tanawin
Pag-asa ay sing dami ng mga bituin
Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo
Bawat oras na lumilipas
Laging hanap ka
Parang tumakas sa mga rehas
Upang mayakap ang
Mga alaala natin aking bubuhayin
Upang makapiling ko
Pangako ay malalim
Di sukat akalaing
Tayo’y magkakaganito
Kahit na gaano pa kadilim
Ang hating gabi lilipas din
Laging tumingala at iyong tanawin
Pag-asa ay sing dami ng mga bituin
Kapag umulan at bumaha
Malalim man ay humuhupa
Iipunin ang kulay ng kahapon ko
Para sa bahaghari mo