CAPA/TRACKLIST

Letra : Sa Puso Mo

Ang buhay ay mapaglaro 'di lamang minsan
Nalulunod sa pighati, gulong-gulo'ng isipan
Damdamin mo'y sawi, bumibigay na ng tuluyan

Bawat yugto ng buhay mo, kailangan ay maglakas loob
Lahat ng ito'y lilipas din at kakayanin mo

Maniwala ka na kaya mo, mahulog man ay tumayo
Puso at isipan ay buksan para sa kapwa mo
Pag-asa ay masisilayan, huwag mag-alala
Sa puso mo, kaibigan ako'y naririto
Sa puso mo, kaibigan ako'y naririto
Asahan mo

Huwag mong isiping 'di mo kaya, pagsubok lamang yan
Magtiwala ka sa 'yong sarili, ika'y gagabayan
Ipagpatuloy lang kaibigan, 'di ka Niya iiwan