CAPA/TRACKLIST

Letra : Iibigin Kang Muli

Ilang panahon pa ba ang magdaraan
Upang muli tayong magkita
Gaano pa ba ako katagal maghihintay
Nang mayakap kita't mahagkan

Sana'y hindi ka mawala sa piling ko
Buong buhay koy' ikaw lang ang sinisigaw ng puso

Ikaw lamang ang kailangan
Hanggang marating ang walang hanggan
Ikaw lamang ang magpupuno sa puso kong may kulang
Sa bawat sandali makapiling kang muli
Wala na akong mahihiling pa
Ikaw lamang (ikaw lamang)
Ngayon at kailan pa man

Saan ba tayo tutungo
Upang ikaw at ako'y 'di magkalayo
Ngayong alam ko na na mamahalin kita
Sa hirap o ginhawa man sinta

Sana'y hindi ka mawala sa piling ko
Buong buhay koy' ikaw lang ang sinisigaw ng puso
(Ang sinisigaw ng puso)
Ikaw lamang ang kailangan
Hanggang marating ang walang hanggan
Ikaw lamang ang magpupuno sa puso kong may kulang
Sa bawat sandali makapiling kang muli
Wala na akong mahihiling pa
Ikaw lamang (ikaw lamang)
Ikaw lamang, ikaw lamang
Ngayon at kailan pa man