ENVIAR LETRAS
Top 100
Lançamentos de álbuns
Artistas
Comunidade
francês
Espanhol
Português
corrija a letra Letra
Sampaguita
por
Gloc-9
Retornar
Letra
O aking sinta Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw Ng mga pusong di kita makuhang madalaw At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak Pag kausap ka’y hindi ko mapigilang maiyak Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan At sa paglubog ng araw di kita matabihan Kung kahit saan man mapadpad Sayo pa rin ako babalik giliw Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita Sa halimuyak ng ‘yong Anak kaarawan mo na ulit Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit Naaalala ka ni tatay tuwing ako’y pumipikit Patawarin mo ako anak kung hindi kita Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola O lumangoy sa batis na katulad ng iba At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta Magbutones ng uniporme mo sa unang araw Ng pasok sa eskwela puso ko’y nag-uumapaw Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon Ngunit agad napapaluha pag ika’y nagtatanong Kailan ka uuwi sakin ay binubulong Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong Sa pagkatbo’y madadapa minsan ay masasaktan Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan
vídeo de música
Seu nome será publicado. Deixe os campos em branco para permanecer anônimo.
Enviar
Modal title
×
Adicionar mídia
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Lembre de mim
Senha perdida
Entrar
Registrarse