ENVIAR LETRAS
Top 100
Lançamentos de álbuns
Artistas
Comunidade
francês
Espanhol
Português
corrija a letra Letra
Kagitlahanan
por
1KIAO
Retornar
Letra
INTRO: Nalilito… Nagdurusa… Nallilito… Nagdurusa… Nalilito… Nag duro! PROLET: Sa pangalan lang nagkaiba, at nangamoy pista ng mga pasista Nagpapadusa sa mga madla, isang sistema walang pinag-ibang / pinagibang mga parusa Minamatang namamanata Na nagdurusa / nagduro sa pagdadakila Matatamasa ang pag-asa, kung aasa ang masa sa pagkasa sa pag-alsa Saka na tayo mahahasa Nababahala sa namamahala Nagpapaalala na lumalala Lang ng lumalala pagkawala Ng gambala at abala sa Mga malubha na mukha ng dukha Barya-barya, kada-luha, saka kukuha sila sa aking mumunting butas na bulsa Pero itong namumurong namumuno mga pinunong puro bulong Puro urong napurong sulong Tumulong dugong sa ulong / saulong suplong Hindi marinig ang mga ugong Walang tutulong Gagong mga taong CHORUS: Masokista sa bansa, pagkat nakataya ang paglaya sa mga banyaga Binanta sa mukha ng husga, luksa asinta sa baba at nawala na sila Bakit pa mananiniwala sa Iisang salita Simula na ito ng kudeta Alisin ang piring sa mata, na nakapikit at magising sa kamalayan Marinig pagsisigawan nang, mga nabingi na sa bingit ng kamatayan Langhapim ang sangsang, na manhid! Ating ipinamnam, ang sakit! Ating di naramdam / dinaramdam Tatapakan na madaanan at aapakan na maranasan na malaman ng lahat ang paglaban! LANZETA: Biglang kakatok wala ng "tao po" Agad agad pag bilang ng sampo, saan tatakbo to? At sa paglaban di na tama kung dadanak ang dugo Dapat lang na pinapatay yung/pinapatayong mga nakaupo Di na lalayo/di nalalayo sa lawak ng mundo, na wala ng malayang/ nawalan ng malay ang Dama'y damay dadamayan, mga may nalama'y lalamayan Mapayapang nagpapa alam, namayapa sa kapayapaan Sa walang kamatayang, kamatayan na walang patayan na patayan napatay yang Nanlaban at nagtangka, banta'y babala Ang salaysay may saysay pa ba may saysay ka ba Manlalaglag, dadaldal, kakanta magpapantay paa Pagkat lalabas lang ang lahat pag patay ka na Sasabay pa ba? Para malaman ang mga nangyari Dadada pa lang agad dadapa, wala nga talaga na makakapagsabi Na para saamin ay para saamin ang mga hangarin lahat makabawi Lahat aagawin tsaka nanakawin nang mapasaamin hangga't maaari Wag nang magbakasakali, kami ang rebelde sa Mga baling balita maling mali na tila pineke ka Nang sila'y swinerte (ah) pamilya'y pwepwede na Na magpalit palitan salit salitan sa silya elektrika Sapagkat ang sakit sakit ng mga huning pag aray Tatapusin ng sabay mga uri at kauri niyang panay Gahaman sakim pati ang mga naghahari harian na mga nagbabait baitang mas mabuting mamatay CHORUS: Alisin ang piring sa mata, na nakapikit at magising sa kamalayan Marinig pagsisigawan nang, mga nabingi na sa bingit ng kamatayan Langhapim ang sangsang, na manhid! Ating ipinamnam, ang sakit! Ating di naramdam / dinaramdam Tatapakan na madaanan at aapakan na maranasan na malaman ng lahat ang paglaban! Masokista sa bansa, pagkat nakataya ang paglaya sa mga banyaga Binanta sa mukha ng husga, luksa asinta sa baba at nawala na sila Bakit pa mananiniwala sa Iisang salita Simula na ito ng kudeta INVICTUS: Ito na ang paghampas Pagbakas ng aklas Humaharang sa mga gumagapang malakas Ang tumatapang sa dahas Ay lumalaban sa taas Na may mukha ng satanas At kung ika'y walang lagay patay ka na sa batas Ikaw ay nasa loob ng palabas Pipiliin mo ba na sumunod o kumalas Maririnig sa tunog ang pagkatas Ng buhay ng di makilalang lunod na madalas Nakakatawa ka nalang Pagkat hindi ka na makakawala sa walang awa na nakaabang Nakakalamang ay ang mga nakakaalam Kung kailan tatapat Ang nguso ng baril sa ating ulo habang tayo ay naglalakad Naglalahad ng masamang balak at Nagmamasid pa lang naghahanap pa ng masasalat Trabaho lang walang konsensya ang nagbabanat Habang lahat tayo walang alam dugo na natin ang magkakalat
vídeo de música
Seu nome será publicado. Deixe os campos em branco para permanecer anônimo.
Enviar
Modal title
×
Adicionar mídia
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Lembre de mim
Senha perdida
Entrar
Registrarse