CORRECT LYRICS

Lyrics : BTNS (Bakit ’to Nangyari Sa’tin)

Pilit kong inaalala
Aking nadama
Noong una kitang nakilala
Mga dahilan ngayo’y hinahanap
Saan nagsimulang
Ikaw na ang aking pangarap
Hindi ko lang maamin na
Parang nakaligtaan
Ang dating saya at pag-ibig
Hindi na mararamdaman

Paano bang
Ang noo'y puno ng kulay at kabuluhan
Ngayo'y walang hanggang dilim at palaisipan
Sinong sisisihin
Hindi alam ang sasabihin
Noo'y walang humpay ngiti sa ating mga mata
Ngayo'y sa luha at lungkot hindi makawala
Sinong sisisihin?
Bakit ‘to nangyari sa atin?

Paano ba?
Sino ba?
Ano ba?
Bakit ‘to nangyari sa'tin?