CORRECT LYRICS

Lyrics : Misteryoso

Di takot sumisid
Takot lang malunod
Di takot sa mataas
Takot lang mahulog
Di takot na magtiwala
Takot lang malason
Di takot na tumaya
Takot lang matalo

Hindi takot na sumaya
Takot lang sa kapalit laging dismaya
Kaya ayaw kong manabik
Hindi ako takot na ika'y umalis
Takot lang baka ako baka ika'y hindi na bumalik

Naaral ko na kung papano ang pekeng
Pag ngiti
Di ganon kahirap lalo
Kung ikay manhid na

Minsan kalungkutan ay parang bagyo
Wala kang magagawa kundi hayaang dumaan

Pwede ding sukuan mo nalang o
Uusukan mo nalang
Tapos tulugan mo nalang
Subukan mo nalang na
Tulugan mo nalang
Tapos usukan mo nalang
At usukan nang
Usukan mo nalang

Bigat sa dibdib
Isusulat ko nalang
Uusukan ko nalang
Hipak hanggang amatan
Buga hanggang gumaan

Minsan
Nakakasawa na mabuhay
Kung ikaw ay nabubuhay
Na di mo alam kung
Para saan
Umiikot orasan
Tableta't musika parausan
Kaya kapag ako'y lutang walang maramdaman
Mga pasan pasan
Panandalian na gumagaan
Gusto kong ayusin yung ako
Pabalik sa tama na daan
Sa papanong paraan?
Kung sarili'y puro dahilan
Kaya ayoko makisama sa maraming tao
Kase ako'y di nila maintindihan

(Di nila ako maintindihan x2)

Pinto ng aking kwarto'y diko naisara
Gulat si mama sa nakita nya
Ba't ang daming bote? walang namang bisita
Dami ng tableta
Wala namang reseta
Tawa lang ng tawa wala namang kasama
Anak ayos kalang ba?
Ayos lang ako, labas kana ma
Binalaan mo ako tungkol sa mga droga
Pero hindi sa mga magaganda na dalaga
Pagibig minsan parang mahika, mahiwaga
Pero mahika'y minsan ilusyong lamang
Kung puso'y napapalitan
Ako'y sagad na magmamahal
Kahit ulit ulit masaktan
Uulitin ko ulit
(Kaso lang hindi x2)

Kahit ulit ulit masaktan
Uulitin ko ulit
(Kaso lang hindi x2)

Di takot sumisid
Takot lang malunod
Di takot sa mataas
Takot lang mahulog
Di takot na magtiwala
Takot lang malason
Di takot na tumaya
Takot lang matalo

Hindi takot na sumaya
Takot lang sa kapalit laging dismaya
Kaya ayaw kong manabik
Hindi ako takot na ika'y umalis
Takot lang baka ako baka ika'y hindi na bumalik

Naaral ko na kung papano ang pekeng
Pag ngiti
Di ganon kahirap lalo
Kung ikay manhid na

Minsan kalungkutan ay parang bagyo
Wala kang magagawa kundi hayaang dumaan

Pwede ding sukuan mo nalang o
Uusukan mo nalang
Tapos tulugan mo nalang
Subukan mo nalang na
Tulugan mo nalang
Tapos usukan mo nalang
At usukan nang
Usukan mo nalang