Katrina Velarde - Lason Mong Halik

by SpotLyrics ·

Minsan natikman ang init ng iyong halik
Akala ko narating ko na ang ulap sa langit
Sa aking pagpikit ang tanging naisip
Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig

Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
Kapag kapiling na kita nanlalamig ka na

Bakit ganiyan ang ‘yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap parin
Ang lason mong halik

Apoy na dati-rati kay init ng liyab
Agad akong nadadarang kapag ikaw ay yumakap
Ngayo'y nag-iisa't laging nilalamig
Nawala na ang lahat-lahat ito'y naging panaginip

Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
Kapag kapiling na kita nanlalamig ka na

Bakit ganiyan ang ‘yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay di ko na kaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap parin
Ang lason mong halik

Ohhhh…
Bakit ganiyan ang ‘yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay di ko na kaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap parin
Ang lason mong halik

Lason mong halik