CORRECT LYRICS

Lyrics : Hangga’t Maaari

Alam ko na napakagulo
Kahit saan mo pa tingnan
Ang gulo na nating dalawa
Nasaan na ba pagtingin natin
Na palaging kumain kana ba

'Yung tipong 'di tayo nauubusan ng pinag-uusapan
Naghahanap ako kung nasa'n
Halos pagkasawaan na sa dami na sabay nating naranasan
May mga sigawan na ilang beses na may nasugatan
Nakasanayan puro sumbatan hanggang tumahan

Ohhh kahit na gano'n
'Wag nating hahayaan na
Mauwi lang sa wala, agapan
'Pag lumalala na na na

Hangga't maaari, hangga't maaari
Hangga't maaari, hangga't maaari
Hangga't maaari, hangga't maaari

'Wag mong bitawan ('wag mong bitawan)
'Di ka bibitawan

Lalo na 'pag ganito, 'wag kang malito
Iisipin palagi kung ba't narito
Pinili na natin 'to wag pabayaang sirain
Wasakin ng kahit ano
Kahit ikaw, kahit ako
Gusto mo ba 'to (hindi)
Nakakasiguro ako, kasi
Masasaktan lang tayo 'pag gan'to
Mangako ka nga 'di ka mag-iiba, sige na
Sumama ka sana sa akin
Hanggang tumanda

Ohhh kahit na gano'n
'Wag nating hahayaan na
Mauwi lang sa wala, agapan
'Pag lumalala na na na

Hangga't maaari, hangga't maaari
Hangga't maaari, hangga't maaari
Hangga't maaari, hangga't maaari

'Wag mong bitawan ('wag mong bitawan)
'Di ka bibitawan

Hangga't maaari
Hangga't maaari, hangga't maaari

'Wag mong bitawan
'Di ka bibitawan, ohhh

Sana hanggang sa huli
Kumapit ka ng mahigpit
Hangga't maaari
'Wag mo 'kong bitawan
Kahit ano ang mangyari mangako ka sa'kin
'Wag mo 'kong bitawan, 'di ka bibitawan