CORRECT LYRICS

Lyrics : Alam Ko

Tumingin ka sa akin
May gusto lang akong linawin
'Di naman magagalit
Sagutin mo lang ako kung bakit

May luha pa rin sa'yong mata
Lungkot ba'y hindi ko nabura
Akala ko tayo ay masaya
Ngiti mo ay tila ba pilit
Puso mo ba'y 'di ko nasagip
Umaasa ka pa bang may bumalik?

'Wag nang pahirapan ang mga puso
Sabihin na ang totoo, alam kong hindi ako
Ang hinahanap ng 'yong mga yakap
Sabihin na ang totoo, alam kong hindi ako

Bakit 'di mo maamin ang 'yong mapaglarong damdamin?
Naging akin ba talaga ang puso mo na
Tila na iwanan sa kaniya kahit sa'kin ka
Hindi ko maiwasang magtaka
'Wag nang pahirapan ang mga puso
Sabihin na ang totoo, alam kong hindi ako
Ang hinahanap ng 'yong mga yakap
Sabihin na ang totoo, alam kong hindi ako

Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako
Hindi ako, hindi ako
Alam kong hindi naman naging ako

'Di ka naman akin talaga
Simula pa nung simula
Kung 'di naman tayo talaga
Pinapalaya na kita