CORRECT LYRICS

Lyrics : Nang Dahil Sa’yo

Minsan lang may pagkakataong makatagpo ng isang taong
Magpapaiba sa 'king pagtingin sa mundo
Kaya't nang ika'y dumating, ako'y nanibago

'Di makapaniwala na kaya kong makadama
Nang ika'y mahanap, ako'y muling naniwala

Dahil sa'yo nagising ang puso
Hindi alam na kaya ko palang umibig ng ganito
Kay saya palang mabuhay
Dahil sa'yo

Tumigil na sa paghihintay
Damdamin ay nahimlay sa wakas
Nang dahil sa'yo

Hindi alam na kaya ko palang umibig ng ganito
Kay saya palang mabuhay
Dahil sa'yo

('Di makapaniwala na kaya kong makadama)
Nang ika'y mahanap, ako'y muling naniwala
Dahil sa'yo nagising ang puso
Hindi alam na kaya ko palang umibig ng ganito
Kay saya palang mabuhay
Dahil sa'yo