ENVIAR LETRAS
Top 100
Lanzamientos de álbumes
Artistas
Comunidade
Francés
Portuguese
Inglés
Corrección Letra
Ilustrado
par
Gloc-9
Regreso
Letra
Tanggapin ang hamon Buhay mo man ang siyang nakataya Lumaban at bumangon Walang abot kapag nakahiga Sumalungat sa alon Kahit panulat lang ang baon Mga letra sa papel na isinulat Aking mga saloobin na binubuhat Habang lumulusong sa kumunoy At maiahon ang bayan na darang sa apoy Aking ina kumusta ka na Sa aki’y wag ka mag-alala Kahit ako’y nawalay sa’yo Ang nais ko ay malaman mo na Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro Sa napakaraming bagay na inyong itinuro Sa akin at sa lahat ng aking mga kapatid Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid Tagadala ng liwanag pag ako’y nagbabasa Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata Nalaman kong karunungan ay 'di dapat duwag Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga’y bulag Kahit gaano kalupit ang sa iba’y ating sinapit Pag may galit at pait, sa pagmamahal ka kumapit Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas 'Di kailangang gumamit ng dahas upnag maka-alpas Kulay kayumanggi man ang aking binhi Hindi magkukubli paglalaban ang lahi Pag-ibig na taglay aking isinabuhay Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay Ang kalayaan mo at kalayaan ko Ang kayamanan nitong bayan ko Ang kalayaan mo at kalayaan ko Ang kayamanan nitong bayan ko Tanggapin ang hamon Buhay mo man ang siyang nakataya Lumaban at bumangon Walang abot kapag nakahiga Sumalungat sa alon Kahit panulat lang ang baon
videoclip
Tu nombre será publicado. Deje los campos en blanco para permanecer en el anonimato.
Enviar
Modal title
×
Insertar medios
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Recuérdame
Contraseña perdida
Conectarte
Registrarse