SUBMIT LYRICS
Top 100
Album releases
artists
Community
French
Spanish
Portuguese
Correction Lyrics
YOASOBI - Racing into the Night (Filipino Translation)
by
YOASOBI
Featuring(s) : Filipino Translation
Back
Lyrics
Tila nalulunod, tila natutunaw Sa kailaliman ng langit na tadtad ng bituin Sabi mo sa'kin, "paalam" Mahirap tanggapin ngunit naunawaan At ngayon na ikaw ay 'di kapiling, wala sa'king tabi Tila takipsilim, gusto kong lumisan Nung una kitang nakilala Sapul ang puso ko, di ko malilimutan Ngunit parang ika'y balot sa hanging tila babasagin Sa'yong mga mata, kita'ng kalungkutan Punong puno ng "tik tak tok" Paulit-ulit sa mundong ito Kahit sa'n lumingon, ang sigaw ng mundo'y di matakasan Pero, siguro Kung magkasama tayo sa buhos ng ulan Baka iyong ngiti'y 'di nawala Sa panglaw ng nakaraan, iyong luha'y walang hanggan Iaalay ko'ng lahat, mahal, para 'ka'y matahan Bago ka tuluyang kainin ng kadiliman Hawakan mo aking kamay, 'wag bitiwan Sa bawat panalangin na paglimot ang tanging hiling Akin na't yayakapin ang sakit, aking tutunawin Walang katatakutan sa pagsikat ng araw sa langit Sa'kin ka kumapit Lagi na lang sa malayo Ang 'yong tingin, ano kaya ang 'yong tinatago? Na para bang ika'y nabibighani sa tagapagsundo Kinang ng 'yong mata'y 'kakakilabot At maraming bagay ang dapat tanggapin ngunit di ko matanggap Sapagkat sa di ko mapansin, ako'y gugulatin at ako'y di makapanggap Ngunit pipilitin kong mamayani para sa'kin Para sa'ting dal'wa - walang pagsisisi "Pagod na 'ko sa pagpapapanggap" Ang sabi mo sa akin sa pagtaboy mo sa pag-abot ko ng kamay sayo "Pagod na 'ko sa pagpapapanggap" Kung aaminin ko, gusto ko ring sabihin sayo Punong puno ng "tik tak tok" Paulit-ulit sa mundong ito Kahit sa'n lumingon, ang sigaw ng mundo'y di natakasan "Gusto kong sumuko" Sa bulalas ko ng mga salitang iyon Ngumiti ka't umilaw ang mundo Sa panglaw ng nakaraan, aking luha'y walang hanggan Ang ningning ng 'yong mata ang tanging nasisilayan Sa gabing madilim, pag-iyak ko'y di matahan Ngumiti ka't kamay ko'y hinawakan Saking luksa ng pagsisi't sa pagbigat ng damdamin Iyong yayakapin ang sakit, iyong tutunawin Tila nalulunod, tila natutunaw Lumilinaw ang mga kalabuan Sa bawat panalangin na paglimot ang tanging hiling Sa iyong mga palad, mahal, ako'y nananalig Ako'y naniniwala sa maamong ihip ng hangin Sa'kin ka kakapit Anuman ang mangyari, wag mo akong bitawan Magkasama tayong susugod sa kadiliman
music video
Your name will be published. Leave fields blanks to remain anonymous.
Submit
Modal title
×
Insert media
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Remember me
Lost password
Sign in
Register