SUBMIT LYRICS
Top 100
Album releases
artists
Community
French
Spanish
Portuguese
Correction Lyrics
Hugot
by
O.C. Dawgs
Back
Lyrics
Talaga naman na masaya na 'ko Magmula nang makalaya na 'ko sa'yo 'Di ko na kinakailangan ang katulad mo, ang tulad mo Paalam na, 'tigil na natin 'to Nagkakamali ka kung inaakala mong Hindi ko makakayang mawala ka sa'kin Kung pwede ko lang ibalik ang mga kaganapan 'Di na ko makakapayag na ang puso ko'y wasakin Pero 'di na bale para sa'kin Para sa'kin 'di na para-para balikan Sapagkat ang tulad mong babae, sa'king puso At isipan napakadali naman na palitan Boss Loco, ang pangalan ng lalaking 'Di mo man lang nabigyan pagpapahalaga Kahit masakit tila napakapait Simula nang ipadama mo sa'kin na walang mapapala A-la-la-la-la-lahanin mo na 'di ako Kundi ikaw ang tanging lumayo At tanging ikaw din ang bumitaw sa mga sinabi mo sa'kin Panghawakan ko na lamang mga pangakong Tayo lamang dalawa, 'di ko inasahang hahantong sa ganito 'Di ba napakapanatag at napakapatag Matagal na nagpakatatag, ano bang bumabagabag Sa isipan mo, naisipan mo na pag-ibig mo Napakadali namang ibaling sa iba-lewala naman sa'kin Nagsasawa na akong mapahiya, makinig ka Wala ng tamang nangyari sa'tin Pagod na rin akong ika'y unawain Siguro nga tama na ang aking pasya Na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa Dahil 'di mo naman sinabi sa'kin Wala na palang pag-ibig mo sa akin Kaya pinilit kong limutin ang lahat Kasi alam kong 'di mo kaya Sana'y panaginip na lang lahat Upang ang sakit ay 'di ko madama Gano'n ba talaga? Parang walang halaga? Kaya pala naiwan akong mag-isa Laging balisa, sino ba ang laging tama At naging sagad sa kamalian, kaya nagdulot ng sakit sa dibdib Sumatutal sa labis ko na katangahan, naging malamang ka Kaya 'di mo naisip na masasaktan ako sa'yo ng sagad Kung alam ko lang lahat ng 'to ay isang laro Sana umpisa pa lang tinapos ko agad Mapalad ka at meron kang ako Na labis sa'yo nagmamaldang umunawa Sa lahat ng bagay ako ang makiki-pake Mali ka ma'y pipilitin kong ikaw ay itama Ngunit tila dahan-dahan nagsasawa na Ang puso ko sa madalas nating 'di pagkaunawaan Kung sakali na isuko na kita Marahil alam mong pagod na akong muli Pagkatiwalaan, ang tulad mo sa buhay ko Alam ko naman na ika'y malaking parte Kasangga, kaagapay, tagapayo, tanga-tanga, taga-kunsinti Bakit ba kasi kailangan nating matutunang magmahal Kung masasaktan din naman tayo Ang mga tenga nakakandado na sa mga kaibigan Nais lang naman na magbigay ng payo Napakalabong maitago ang mga bagay Na kailanman ay 'di ko sinukuan, kung nagkamali ako Piliin ka'y iyon ang pinakamalaki Kong nagawang kasalanan dahil Wala ng tamang nangyari sa'tin Pagod na rin akong ika'y unawain Siguro nga tama na ang aking pasya Na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa Dahil 'di mo naman sinabi sa'kin Wala na palang pag-ibig mo sa akin Kaya pinilit kong limutin ang lahat Kasi alam kong 'di mo kaya Hindi ko na kayang itago ang aking nararamdaman Masakit para sa'king maiwang mag-isa 'Di naman ako nagkulang sa pagpapahalaga Naaalala ko nang unang beses, pinaasa mo lang ako ng labis At nais ko sanang iyong malaman Na ikaw ang siyang tunay sa'tin na nawala Kahit anong pag-iintindi at pag-uunawa ko Sawa na 'ko, pagod na 'ko, maraming salamat Sa loob ng ilang taon na ako mag-isa Sa relasyon natin ang bumuhat Ni minsan 'di ko naramdaman ang halaga ko sa'yo Sa luha ko wala kang pake, naging una ka sa prayoridad ko Ngunit ang lahat ay iyong sinantabi Pa'no ba naman kasi, 'di ka manlalamig sa akin Kung walang nagpapainit sa iyong gabi Laging hindi dahilan ng madalas sa labas Nagmamadali sa paglalandi, 'di bale na magtalo tayo Sa kadahilanan nang simpleng pabor Na hindi mo kayang masunod, opinyon natin sa bawat isa Argumento natin na magkabukod Wala ng tamang nangyari sa'tin Pagod na rin akong ika'y unawain Siguro nga tama na ang aking pasya Na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa Dahil 'di mo naman sinabi sa'kin Wala na palang pag-ibig mo sa akin Kaya pinilit kong limutin ang lahat Kasi alam kong 'di mo kaya Inakala kong walang hangganan Ngunit hindi pala mali pala ang aking natamo Sana ay hindi mo na lang pinadama sa'kin sumaya Kung iiwanan mo lang din naman ako Alam mo bang hindi madali sa'kin maiwanan mag-isa Lalo na sa panahon na kinakailangan pa kita Wala na ba 'kong halaga para putulin ng bigla? Hindi na ba mababalik kung sa'n tayo nagsimula? Pa'no ko ba haharapin mag-isa Kung ang kinakatakot ko'y bigla ng dumating Nang hindi ko inasahan na mawawala Na lang ng biglaan ka sa aking paningin Oo, madaling sabihin na kaya ko pa Pero ang aking kalooban nasasaktan na Kapag naalala ko ang mga panahong Kasama ka, hindi maisantabi ang aking saya 'Asan ang mga pangako natin? Bakit nag-ibang dako? Kung alam ko lang na ganito kagago Eh 'di sana naghanda na 'ko Nang hindi ko na naantala ang dahilan mo para magbago At nang 'di ko na nabanaag ang paraan mo Para biglang maglaho, siguro nga tama na ang desisyon mo Kung wala na talaga 'kong magagawa Kundi bitawan ang lahat at palayain ka Kahit na labag sa kalooban ko Basta't makita lang kitang masaya Habang hawak-hawak ang pangako mo ng nag-iisa Wala ng tamang nangyari sa'tin Pagod na rin akong ika'y unawain Siguro nga tama na ang aking pasya Na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa Dahil 'di mo naman sinabi sa'kin Wala na palang pag-ibig mo sa akin Kaya pinilit kong limutin ang lahat Kasi alam kong 'di mo kaya Wala ng tamang nangyari sa'tin Pagod na rin akong ika'y unawain Siguro nga tama na ang aking pasya Na limutin ang kahapon, naiwang mag-isa Dahil 'di mo naman sinabi sa'kin Wala na palang pag-ibig mo sa akin Kaya pinilit kong limutin ang lahat Kasi alam kong 'di mo kaya
music video
Your name will be published. Leave fields blanks to remain anonymous.
Submit
Modal title
×
Insert media
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Remember me
Lost password
Sign in
Register